Social Icons

Mar 20, 2011

Pananambang s piskal sa Maguindanao,kinondena ni De Lima-GMANews.tv


MANILA – Mariing kinondena ni Justice Secretary Leila de Lima nitong Miyerkules ang ginawang pananambang kay Maguindanao provincial prosecutor Akilali Balt, na naganap sa Cotabato City nitong Martes ng hapon.

Hinihinala ni De Lima na may kaugnayan sa trabaho ang nangyaring pagtatangka sa buhay ng piskal, at sa kanyang drayber na si Dandan Balt Datu Dakula.

Inatasan na rin ng kalihim ang National Bureau of Investigation na imbestigahan ang kaso at alamin ang motibo sa naturang krimen.

"We will definitely explore the possibility that this was politically or professionally motivated as he is, in fact, handling sensitive cases involving high-ranking officials in Mindanao," pahayag ni De Lima.

Lumitaw sa imbestigasyon na pauwi na si Balt nang pagbabarilin sila ng kanyang drayber ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo.

Bahagyang nasugatan si Dakula, habang ang piskal ay malubhang tinamaan ng bala sa taenga, ibabang bahagi ng leeg, at braso. Kapwa isinugod sa ospital ang dalawang biktima.

Hindi muna tinukoy ni De Lima ang pangalan ng isang mataas na opisyal na hinahawakan ni Balt ang kaso. - GMA News

No comments:

 

Sample text

Sample Text

ABDULSALI "ILAY" ASMADUN interview on preventing the supporters of Mayoralty Cadidate Hadar Hajiri of Lugus, Sulu to post Campaign Materials at Lugus Proper

Sample Text

delman_macapil@hotmail.com