· Mayor ng Misamis Occ, sasampahan ng
reklamo sa Comelec dahil sa pananakot
October 27, 2013 9:12pm
PANAON, Misamis Occidental —
Binabalak ng isang board member ng lalawigan na magsampa ng reklamo sa Comelec
laban sa alkalde ng bayan na umano'y nanakot sa kanya nang mag-imbestiga siya
sa napabalitang pangha-harass ng mga tauhan ng mayor sa isang barangay, ilang
araw bago ang halalan sa Lunes.
Sa panayam ng GMA News Online nitong Linggo, sinabi ni Jim delos Santos, board member mula sa First District ng lalawigan, na tinakot siya ni Mayor Francisco Paylaga Jr at mga tauhan nito nang magpunta siya sa barangay Lutao upang mag-imbestiga sa umano'y pananakot ng grupo ng mayor doon.
Ayon kay Delos santos, nangyari ang pangha-harass Sabado dakong alas-4 ng hapon malapit sa pamamahay ni Norlyn Cagaanan Galleros, kandidato pagka-barangay chairman ng Lutao at katunggali ng asawa ni mayor Paylaga na si Meriam.
Hinarangan umano ng tatlong sasakyan ng grupo ng alkalde ang sasakyan ni Delos Santos at tinangka pang banggain ito. May mga backup pa umanong mga nakamotorsiklo ang grupo ni mayor.
Ayon kay Delos Santos, kabilang sa tatlong sasakyan ang isang Fortuner (FPJ 99) na puti na minamaneho ni mayor Paylaga at isang Hi Lux na kulay itim ang humarang sa kanyang sasakyan at tinangka pang banggain siya ng mga ito.
Humantong umano sa habulan ang pangha-harass hanggang sa makarating sila sa bayan ng Jimenez.
"Dahil nasa Jimenez na kami, napilitang bumalik na lamang ang grupo ni Paylaga sa Panaon," ayon kay Delos Santos.
Sa panayam naman sa kandidatang si Galleros, sinabi nitong ilang gabi na umano silang walang tulog dahil sa pananakot ng mga diumano'y goons ni Paylaga sa kanyang mga supporter at maging sa kanyang pamilya, kaya nagdesisyon na siyang humingi ng tulong at payo kay Delos Santos.
Dagdag pa ni Galleros, minamanmanan umano ang lahat ng mga pagkilos ng kanyang mga taga-suporta ng mga tauhan ng mayor upang hindi sila makapangampanya.
Matagal na umanong hawak ng mga Paylaga ang bayan ng Panaon – si Mayor Francisco, ang asawang si Meriam at ang anak nitong si Rosanie, ay pawang naging mayor sa bayan. Sa kasalukuyan umano, si Rosanie ang bise-alkalde.
Ayon kay Delos Santos, ”Nakausap ko si Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr at ang sabi niya bilisan na ang pagsama ng reklamo laban kay Paylaga."
Makailang beses na tangkaing kausapin ng GMA News Online ang kampo ni Mayor Paylaga, ngunit hindi mahagilap ang alkalde hanggang sa ngayon.
Nakausap ng GMA News Online ang chief of staff at sinabing hindi tumatanggap ng tawga si Mayor Paylaga. — Mariz Revales /LBG, GMA News

We Recommend
- Pangulo ng bansa na naging kapitan ng barangay (News)
- Tanya Garcia, naiyak nang ikinuwento ang pagkawala ng anak (Entertainment)
- Japan's PM warns China on use of force as jets scrambled (News)
- Imahen ng Birhen Maria sa isang simbahan sa Cebu, naghimala raw matapos ang lindol (News)
- Who is Senator 'Sexy'? Benhur Luy drops clues (News)
No comments:
Post a Comment