Social Icons

Nov 2, 2013

Granada, natagpuan malapit sa sementeryo sa Iligan City


Isang granada ang natagpuan sa San Roque Cemetery sa Barangay Dalipuga sa Iligan City, dakong 7:25 ng umaga nitong Sabado.

Ayon kay SPO3 Rey Payte ng Station 3 ng PNP Iligan, natagpuan ang  granada  ni Wilfredo Dumaog sa tabi ng kanyang tindahan malapit sa sementeryo.

Nakalagay umano ang granada sa loob ng lata ng pintura, ayon kay Dumaog.

Agad naman umanong kinuha ng mga pulis ang granada at ibinigay kay PO3 Ian Pijo ng Explosives and Ordnance Division.

Hinigpitan na umano ang pagbabantay sa San Roque Cemetery matapos ang insidente, ayon kay Payte.

Dagdag pa niya, pinahigpitan na rin ni Iligan city Police director S/Supt. Gerardo Rosales ang pagbabawal sa pagdala sa loob ng sementeryo ng mga patalim, baril, at mga bagay na maaaring makapanikit ng kapwa.

Nangyari ang insidente habang libu-libong sa mga Pilipino ang dumadalaw sa mga sementeryo para alalahanin ang mga yumaong mga mahal sa buhay bilang paggunita sa Todos los Santos at Undas. – Mariz Revales /LBG, GMA News

No comments:

 

Sample text

Sample Text

ABDULSALI "ILAY" ASMADUN interview on preventing the supporters of Mayoralty Cadidate Hadar Hajiri of Lugus, Sulu to post Campaign Materials at Lugus Proper

Sample Text

delman_macapil@hotmail.com