>
> Kandidatong mayor sa Lanao patay sa
> ambush,apat ang sugatan
> RIC CLET at MARIZ REVALES
>
> Tugaya,Lanao del Sur - Patay si mayor re electionist
> Alimatar Guroalim habang apat ng kanyang mga kasamahan ay
> sugatan sa ambush kaninang umaga matapos magsimba sa
> barangay Dilimbayan dito na pinagbabaril ng hindi pa
> kilalang mga tao na lulan ng maroon na pajero.
>
> Si Mayor Guroalim ay patay ka agad agad ayon kay
> Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) police Chief
> Superintendent Bienvenido Latag.
>
> "Pupunta siya sa mosque upang magdasal sa Eid'l Fitr nila.
> Dead on the spot si Mayor Guroalim, ang driver at tatlong
> kasamahan sugatan ",a yon kay Latag.
>
> Ang driber ni Guroalim na si Khalid Taher at mga kasamahan
> na sina Jalani ALcasim,Asrin Sampao at Alvin Mustafa ay
> nagtamo ng sugat ay madaling isinugod saAMai pakpak hospital
> ng Marawi City.
>
> Sinabi ni Latag na sila ay nagtatag ng special
> investigation task group kasama ang mga mimbro mula sa
> Criminal Investigation and Detection Group, Scene of the
> Crime Operations,at Intelligence units upang maresolba ang
> insidente.
>
> Ang pulisya ay natutuk sa posibilida na ang insidente ay
> may kinalaman sa pulitika dahil anya si Guroalim ay
> tumakbong mayor dito.
>
> Ayon kay Latag ang special elections, kung saan si Guroalim
> ay tumatakbong mayor na nakatakdang ganapin sa nobyembre 6
> dahil sa magulong halalan noong Mayo 10.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment