Gayon din ang pagkadismaya ng mga suporter at loyalista ni dating ARMM gov Zaldy Ampatuan na naniniwala na ito ay walang kasalanan sa nangyaring masaker dahil ito ay diumanoy nasa Manila ng mangyari ang insidente.
Si Datu Ali Midtimbang,dating mayor ng Talayan, Maguindanao at iba pang mga lider na ayaw magpabanggit ng poangalan ay nabigo din sa kanilang inaasahan na mapadali ang desisyon ng korte sa kaso ni Gov Ampatuan.Marami sa mga mayor ng ARMM ang umaasa na mapawalang sala si Goc. Zaldy sa pagkadawit sa kanya sa dahilan na ito wala ng mangyari ang insidente.
Sa hearing sa Quezon City Jail sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, si Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Branch 221 ng Regional Trial Court sa Quezon City ay pinagbigyan si Andal sa kanyang kahilingan na hinihain ni Atty. Sigfrid Fortun. "The motion for resetting is hereby [partly] granted. The hearing today is postponed, and hereby reset for September 8 and 15," ayon kay Reyes.
Ang mga abogado ng Prosecution sa pangunguna ni Assistant Senior State Prosecutor Richard Anthony Fadullon nagsabi na ito ay maliwanag na "delaying tactics" sa kampo ng mga Ampatuan..
Sa hearing na naudlot ang witness na katulong ng mga Ampatuan ay haharap sana sa pagdinig na diumanoy nakarinig sa planong pag paslang sa 57 ka tao noong Nobiembre 23 ,2009.
Ayon kay Fadullon ang mga kamag anak ng mga nasawi ay naghirap na ng matagal sa parating pagkauadlot ng mga hearing at ito ay malaking insulto sa kanila.
Si DOJ secretary Liela De Lima ay dismayado rin sa resulta ng pagkaudlot ng nasabing hearing."It seems there is an abuse in the dilatory tactics". Sinabi pa nito na hihingi ito ng tulong sa Supreme Court upang ito maituwid ang mga ganitong bagay na maaring makapagbigay ng hindi magandang halimbawa sa ibang mga kaso na nabibinbin sa korte.
No comments:
Post a Comment