Social Icons

Aug 8, 2011

3 HB ng Dangerous Drug Act ni Kong.Vicente Belmonte pag uusapan sa kamara

                                              3 HB ng Dangerous Drug Act ni Cong Vicente Belmonete pag uusapan sa kamara
                                                                       RIC CLET at MARIZ REVALES
 
Sampung panukalang mga batas ng mga kongresista ang tatalakayin sa kamara bukas at tatlo dito ay mga panukalang batas ni kongresista Vicente "Varf" Belmonte ng Lone District ng Iligan City bilang chairman ng komite.
 
Ang Committee on Dangerous Drug at ang Oversight committee on Dangerous Drugs ay magpupulong upang talakayin ang kanilang mga panukala sa pangunguna ni Belmonte.
 
Ang tatlong nabanggit  na mga panukalang batas ni Belmonte ay ang House Bill no. 3737 na "An act for more responsive drug enforcement capability amending  for the purpose certain provisions of Republic Act 9165 otherwise known as the Comprehensive  Dangerous Drugs Act of  2002", House bill no. 3990 " An Act Penalizing for Criminal Liability among others and members of the Military Police and other law enforcement Agencies for Drug use, amending for the purpose Sections 15 and 36 of Republic Act 9165 otherwise known as the Comprehensiveness Dangerous Drugs act of 2002" at ang House bill no. 4646 "An act  to further strengthen the Anti-Drug Campaign of the government amending for the purpose section 21 of Republic Act 9165 otherwise known as the comprehensive Dangerous Drugs act of 2002".
 
Sa naunang pakikipanayam kay Belmonte, sinabi nito na may mga kailangan pang baguhin upang maiaangkop sa sitwasyon ngayon.Umamin ito na hindi minsan naipapatupad ang batas hinggil sa usaping ito.    
 
Ilang buwan nang binabatikos ng mga brodkaster sa Iligan City ang patuloy na pag wawalang bahala ng mga lokal na opisyal upang masugpo ang lumalalang pinagbabawal na droga.
 
Sa programa ni Nanding Solijon sa Sandiganan ng Love Radio tinukoy nito ang limang barangay na lantarang nagbibinta ng mga illegal ng droga. Ito ay ang barangay Tibanga, Villa Verde, Buru-un,Tambacan at ang pinaka kilala sa buong Lanao ay ang barangay Saray na ayon kay Solijon ay lantaran sa publiko ang pagbinta at pag gamit ng ipinagbabawal na droga.
 
"Ilan sa mga gumagamit ayon kay Solijon ay mga pulis, sundalo, mga mag aaral at iba pang propesyunal  na tao". Ilang beses nang hinamon ni Solijon ang mga may kinaukulan na ahensiya ng goberno particular na ang PDEA.
 
Ayon kay Belmonte sa panayam ni Solijopn na nabibilang na ang mga araw ng mga taong may kinalaman sa ipinagbabawal na droga. Sinabi pa nito na maganda na ang resulta ng operasyon mula ng may itinalaagang bagong hepe ng PDEA.
 
Ayon sa kalihim ng komite na si Michelle G. Barceta sampung HB ang pag uusapan bilang mga agenda sa kanilang pagpupulong na  gaganapin sa conference rooms 14 at 15 sa Mitra building at ito ay dadaluhan nina kongresista   Benhur Salimbangon na may HB 1023,  Rufus Rodriquez at Maximo Rodriquez, Jr ng Misamis Oriental sa kanilang HB No. 2273,  HB No. 2801 at HB No.4510, Raymond Palatino, HB No.3061, at ang HB No.4503 ni kongresista Romero Federico "Miro" Quimbo.
 
 
  
 

No comments:

 

Sample text

Sample Text

ABDULSALI "ILAY" ASMADUN interview on preventing the supporters of Mayoralty Cadidate Hadar Hajiri of Lugus, Sulu to post Campaign Materials at Lugus Proper

Sample Text

delman_macapil@hotmail.com