May 12, 2011, 12:58am
DAPITAN City – Apat ang napanalunan ng Western Visayas na idinagdag sa kanilang apat na gold at tatlong silver medal sa athletics noong merkules sa 2011 Palarong Pambansa na ginanap sa Rizal Memorial State University Sports Complex.
Si Rie Veneth Jayed Penarubia, isa sa 50 atleta mula sa Iloilo, ang nagpakitang gilas sa 400-meter hurdles secondary girls sa loob ng 05.43.
Ang iba pang mga nanalo ay sina Jasmin Tayco sa long jump elementary girls (4.79 meters), Rofrey Gilug sa 400m hurdles elementary boys (1:01.64),at si Niel Castellano sa 400m hurdles elementary girls (1:08.86).
Ang mga silver medalists naman ay sina Cherry Ann Patricio sa javelin elementary girls, Jovelyn Naotario ng Cagayan Valley, Gerald Glen Morales sa 400m hurdles secondary boys, at Daisyry Juanillo sa 400m hurdles secondary girls.
Ang Western Visayas sa ngayon ang may walong gold medal sa oval na kasama na rin si Gerald Layumasna nakakuha ng dalawa naman sa long jump at triple jump. Ang delegasyon ng Western Visayas ay mayroon ding limang silvers at isang bronze medal.
Sila pa rin ang nangunguna sa athletics noong nakaraang Palaro sa Tarlac atTacloban.
Sa Swimming naman ang National Capital Region pa rin ang nangunguna na may walong gold medal,anim na silver at apat na bronze. (kasama sa ulat Roel Revales)
No comments:
Post a Comment