Social Icons

May 7, 2011

8 tauhan ng LTO huli sa pangongotong- RIC CLET at MARIZ REVALES

                                      

 

Dipolog City - Walong mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) ang matagumpay na hinuli sa isang entrapment operation  ng  Dipolog City Police  Office sa pangunguna ni Chief of Police PSUPT Reynaldo Maclang.

 

Ang mga nahuling tauhan ng LTO ay mula sa Dipolog District Office, Regional Office IX habang  sila ay nagsasagawa ng checkpoint sa may rotonda, Esraka dito noong isang araw.  .

 

Ang nabanggit na entrapment operation ay nakunan ng video bilang ebedensiya . Ayon sa panayam kay  Maclang ang nahuli ay sina Fahad Gaguil y Sarrip, Team leader, 50 taong gulang, may asawa na nakatira sa  Lilod St. Barangay Madaya, Marawi City at temporaryong naninirahan sa bastasa, Sta. Felomina, Dipolog City, Marcelo Tumaclas y Sumugba, Assistant team leader, 51 taong gulang, may asawa ng Purok 2, poblacion Sinuyak, katipunan, Zamboanga del Norte, Romeo Villacampo y Bartolaba, 30 taong gulang, may asawa ng Purok 1, Poblacion Sibutad, Zamboanga del Norte, Sa'anodin Gunting y Ompong, 32 taong gulang, may asawa ng Saduc, Marawi City, Roland dela Cruz y Daymiel, 34 taong gulang, may asawa ng Sulangon, Dapitan City, Alberto Orillan y dela Cruz, 40 taong gulang, may asawa ng Sitog, katipunan, Zamboanga del Norte, Romil Andalahao y Cabrera, 34 taong gulang, may asawa ng Mibang, Sta Felomina, Dipolog City at Cardawie Macapanton y Ambulo, 32 taong gulang, may asawa ng Marawi City.

Mga deputation identification card ina inisyu ng LTO regional Office IX, dalawang Tig biente peso, isang daan ,dalawang daan at isang limang daang peso bilang ebedensya, Official receipt at certificate of registration ang mga nakompiska sa mga suspetsado.

Ang walong mga tauhan ng LTO ay nahaharap sa kasong violation ng R.A.3019 na kilala bilang Anti graft and corruption practices act, bribery and usurpation of authority. Ang walong mga nahuli ay nakakulong ngayon habang isasampa ang pormal na reklamo.

 

 

 

 

No comments:

 

Sample text

Sample Text

ABDULSALI "ILAY" ASMADUN interview on preventing the supporters of Mayoralty Cadidate Hadar Hajiri of Lugus, Sulu to post Campaign Materials at Lugus Proper

Sample Text

delman_macapil@hotmail.com