Dipolog City – Isang aktibong pulis at asawa nito ang nahuli sa isang buy bust operation kamakailan dito. Kinilala ang pulis na si Police Officer 1 Alexander N.Lapinig, 38 anyos at nakadestino sa PNP Provincial Headquarters Service Group sa Camp Hamac , Siyacab ,Barra, at asawa nitong si Judy Lapinig ,36. Sila ay nahuli sa kanilang bahay sa Purok Pag –Asa, Barra, Dipolog City. Nakuha mula sa mag –asawa ang 2 tig limang daan na ginawang "marked money" na ginamit sa pambili ng shabu, isang posporo na may lamang 10 plastic sachet ng crystalline substance na pinaniniwalaang shabu, P1,224.00 na benta mula sa shabu, drug paraphernalia, at isang kalibre 9mm na Jericho na may dalawing magazine puno ng bala ,1 ka Elisco M-16 Assault rifle at dalawang magazine na puno ng bala. Tinangkang manlaban ni Lapinig at napakalma naman kinalaunan ng mga otoridad .Ang raiding team ay nasa ilalim ng direct supervision ni Dipolog City Police City director Reynaldo Maclang na sina Police Insp. Ricardo Lubaton, mga operatiba ng CAIDSOTF na sina PO2 Gardito Aninon, PO1 June Gardi Reales, PO1 Reynan Saldariega, kasama ang 9th Regional Public Safety Battalion sa pangunguna ni Insp Edison Francisco Alviar , membro ng Intelligence Operatives ng PNP Provincial Command Team David sa pangunguna ni Engr Silvestre Sabando. Ang ginawang buy bust operation sa bahay ng mag asawa ay sa ilalim ng Search Warrant na inisyu ni Judge Chandler Ruiz ng Regional Trial Court Branch 10. Ma alala na noong Mayo 5 nahuli din ng kapulisan ang empleyado ng Zamboanaga del Norte Provincial Assessor's Office na si Joseph Herrera. Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng Zamboanga del Norte na si Jury Rocamora na nakabase sa Dapitan City na dumarami ang mga gumamagamit ng pinagbabawal na Droga dito. Samantala, ayon kay Mac lang panapaigtingan ang kanilang kampanya laban sa pinagbabawal na droga dito sa siyudad ng Dipolog. |
No comments:
Post a Comment