Social Icons

May 13, 2011

Rominguit nakasungkit ng triple gold sa Palaro- MARIZ REVALES

            

DAPITAN, Zamboanga: Nakasungkit  ng kauna unahang triple gold ang  swimmer na si Swimmer Mark Joseph Rominquit ng National Capital Region at naging     kauna unahang  triple gold medalist sa 2011 Palarong Pambansa.

 Si Rominquit, ay Grade 7 student ng Lourdes School sa Mandaluyong, nagpakita ng gilas sa  elementary boys 100-meter (1:08.55) at 50m (28.37) backstroke sa larangan ng paglangoy na ginanap sa  Jose Rizal Memorial State University pool.


Nakuha rin niya ang 200m medley relay team sa pagkasungit ng gold medal  sa loob lamang ng 2  minuto at 7.33 secondos. Ang ibang kasamahan niya sa squad ay sina Abdulrahim Nooh, Andrae Miguel Pogiongko at Alnair Guevarra, na nakakuha din ng  korona sa elementary boys 200m freestyle. (2:11.15).


Ang Calabarzon Region  na nakakuha rin ng tatlong gold medal sina Fahad Alkhaldi na nanalo sa secondary boys 400-meter freestyle (4:11.03), Lea Margaret Martinez na nanguna sa  secondary girls 400m freestyle (4:42.89) at Catherine Bondad na nakakuha ng  top spot sa elementary girls 200m freestyle (2:19.26).


Sa athletics naman, ang  Western Visayas na si Ralph Efraem Gesulgon at Gerald Mark Layumas ay mga double-gold medalists matapos ang mga laro na ginanap sa Rizal Memorial State University sports complex.


Si Gesulgon, na bago pa lamang nagtapos sa  Kirayan National High School, ay matagumpay na nakuha ng korona  sa  secondary boys javelin throw  sa kanyang 52.30-meter. Ito ang kanyang ika apat na gold medal matapaos manalo noong 2008, 2009 at 2010 editions. Naging dominante din ito sa shot put event sa 13.68 meters.

"Ito ang aking unang  double-gold sa Palarong Pambansa," ayon kay 18-taong gulang  na si Gesulgon na freshman  BS Psychology student  sa darating na pasukan sa Mapua Institute of Technology.

 

Sinabi nito na susubukan niyang makakuha pa ng isang gold medal  sa Palarong Pambansa sa larangan ng  high jump competition.


Samantala , si Layumas, nakasungkit din ng  second gold medal matapos ang kanyang 14.34-meter mark sa secondary boys triple jump. Bago pa lamang  ito manalo sa sa long jump event sa 6.86 meters.


Ang defending champion  ng National Capital Region  na si Ma. Christina  Onofre  ay humataw naman sa  (35.65), si Khristel Punzalan (34.90) at Raya Angela Nazario (34.65)  ang lahat ng sumali  ay nagpakitang ng gilas at nanalo ng gold-silver-bronze matapos ang secondary girls individual all around. Nanalo din sila sa team event na may 105.20 points.


Ang kanilang elementary counterparts na sila  Rachel Arellano, Francine Balburias at Jillian Eunice Reyes ay hindi pinalad noong Lunes.


Sina Yna Perlita Ynot at John Edrick Manalng dumagdag ng isang gold bawat  isa sa secondary girls long jump (5.30) at elementary boys discus throw (33.18). (karagdagang ulat ni Roel Revales)

No comments:

 

Sample text

Sample Text

ABDULSALI "ILAY" ASMADUN interview on preventing the supporters of Mayoralty Cadidate Hadar Hajiri of Lugus, Sulu to post Campaign Materials at Lugus Proper

Sample Text

delman_macapil@hotmail.com