Dapitan, Zambo Norte- May 10,000 atleta at mga opisyal mula sa 17 rehiyon ay pinapakain ng libre ng host ciy ng Dapian sa pangunguna ni Mayor Dominador Jalosjos,Jr ng 50 kilo ng bigas,gulay,isda at karne mula Mayo 8 hanggang Mayo 14,2011.
Ayon kay City councilor Apple Agulong,Committee chairperson of Tourism sinabi nio na si Mayor Dominador Jalosjos,Jr araw araw araw hanggang matapos ang Palaro ay libreng mamamahagi ng pagkain tulad ng bigas ,isda,gulay at karne sa kanilang mga quarter.
Sinagot din ni Agulong ang mga batikos sa kanila bakit may bayad ang mga manonood sa Palaro. "Wala kaming balak sanang magpabayad sa maga taong gustong manood ngunit dahil sa pagkamatay ni Osama Bin Ladin na kung saan ang Mindanao ay may badya dahil sa insidente at upang ma regulate ang mga tao for securiy reason ang host city ay nag desisyon na i impose ang bayad ng P100 bawat manonood. Nagpapabayad ang mamagement ay humingi ng bayad after 7 o clock lamang ", ayon kay Agulong.
Ayon pa rin kay Agulong ang kanilang kinokolektahan na may bayad ay tulad ng Sarah Geronimo concert.
Pinaliwanag din niya na hindi ito ang kauna unahan na ang host city ay nagpabayad sa maga manonood.Nangyari din anya ito sa Dipolog Ciy noong taong 1982 Palarong Pambansa..
Sa panayam kay dating Congressman Romeo Jalosjos na siyang tumatayong overall chairman ng Palaro sinabi niya na ang concern national agency ay walang naibigay na financial budget sa Palaro at nag kataon lang na ang kanayang mga anak na puliiko ay tumulong at ang kanyang mga kaibigan sa kongreso at senado kaya natuloy ang Palaro sa Dapitan City.
Sinabi ni Jalosjos na tiyak magiging makasaysayan ang pagdalaw ng mga atleta at mga panauhin sa Dapitan Ciy dahil sa mayamang kasaysayan nito tulad na lamang ng pagtira ni nasyonal hero Dr.Jose Rizal dito at ang mga turismong atrakson tulad ng Dakak Beach Resort, Dr.Jose Rizal Shrine,Bay at River Cruise at ang taonang Hudyaka sa Zanorte at ang Gloria Fantasyland tulad ng Star Ciy sa Metro Manila,
Nanawagan si Agulong na huwag silang batikusin bagkos tulungan silang ma i angat ang siyudad ng Dapitan City sa turismo."Kailangan namin ang kanilang suporta hindi ang kanilang batikos dahil nagawa namin ang dapat gawin upang manalo na mag host ng Palaro ngayong taon", ayon ka Agulong.
Ang tema ng Palarong Pambansa 2011 ay "Enshrining School Sport", Ang Palaro ngayong taon ay sumasabay sa ika 150 anibersaryo ng kaarawang ni Dr. Jose Rizal a ang ika 100 anibersaryo ng organized sports in the country.
"Ang dalawang makulay na selebrasyon dito ngayon , ang Hudyaka sa ZaNorte at palarong pambansa ay tiyak na namang magiging bahagi ng kasysayan ng Dapitan City tulad ng buhay ni Dr.Jose Rizal. (Police files Tonite)
No comments:
Post a Comment