Social Icons

May 12, 2011

50 porsentong nakaw na sasakyan sa Luzon at Metro Manila ay nasa Mindanao..HPG







50 porsentong mga nakaw na sasakyan galing sa Luzon at Metro Manila nasa Mindanao..HPG ZaNorte

MARIZ REVALES

Dipolog, Zamboanga del Norte - "Mga 50 porsentong nakaw na sasakyan mula sa Luzon at Metro Manila ay dinadala sa Mindanao " ayon kayZamboanga del Norte Provincial Chief ng Highway Patrol Group P/Inspector Leopoldo A. Macalindol.
Umabot na sa 8 sasakyan ang na recover mula noong 2010 hanggang kahapon na kung saan isa namang Toyota Vios ang nasabat sa Pulauan Port, ng Dapitan City kahapon mga alas 4:45 ng umaga habang sinista dahil sa paglabag ng hindi paggamit ng seatbelt (RA8750) at kahinahinalang mga papeles.Ito ay may plakang NIO772 kulay puti at nakarehistro kay Nikolas Frank D.Devera ng 32 Flr GT Tower International, Ayala Avenue, Salcedo St. Makati City.
Ayon kay Macalindol ang nabanggit na sasakyan ay mula sa Cagayan de Oro City at isasakay sana ng barko papuntang Dumaguete City ng matiyempuhan ng HPG sa pangunguna ni Chief Macalindol habang sila nagsasagawa ng malawakang Anti-carnapping operation sa pagpapatupad ng RA 6539 (anti canapping law ng 1972) anti hi jacking,anti highway robbery law,RA 4136 at ng iba pang batas trapiko tulad ng "No plate No travel policy". .
Ayon sa hepe ng HPG, ang kotse ay nasa listahan ng wanted motor vehicle kaya madali nilang nakilala.Ang kotsa ay minamaneho ni Hashim Dee Balabaran,may asawa ng Dalicandos,Maguindanao.
Sa isinagawang occular inspection nabago ang chassis number at ang engine number kaya kinumbida ang dryber at sa pansamantalang dinala ang sasakyan sa HPG station.
Sa isinagawang pagsisiyasat sa Vehicle information Management System (VIMS) ang sasakyan ay nasa Hold order motor vehicle sa ilalim ng Hold order # 20101008 na may plakang NIO 772.
Ayon kay Macalindol ang sasakyan na ay tampered at na i rehistro sa Land transportation Office (LTO) Tubod,Lanao del Norte. Ang tanggapan ng LTO tubod,Lanao del Norte ay pilit na tinatawagan sa kanilang paliwanag ngunit hindi ito sumasagot

Ayon kay Macalindol mahigit sa 600 na sasakyan na Toyota Vios ang diumanoy nawawala sa Metro Manila na ang 50 porsento nito ay pinaniniwalaang dinadala sa Mindanao.

Maliban sa Toyota Vios, 2 Nissan Urban,Crosswind,Estrada,Montero sports,Everest Ford,Adventure at Toyota Vios.

Samantala, sa isang text message ni HPG Director General Espina "part of our vigorous campaign to neutralization of syndicates and recovery of stolen vehicles" ng ipa alam sa kanya ang matagumpay na operation ng kanyang mga tauhan sa Zamboanga del Norte.

No comments:

 

Sample text

Sample Text

ABDULSALI "ILAY" ASMADUN interview on preventing the supporters of Mayoralty Cadidate Hadar Hajiri of Lugus, Sulu to post Campaign Materials at Lugus Proper

Sample Text

delman_macapil@hotmail.com