Social Icons

May 7, 2011

Dating basketbolista at dating konsehal at live in aprtner huli sa shabu

              Dating baketbolista at dating konsehal ng Dipolog huli sa shabu

                                        RIC CLET at MARIZ REVALES

Dipolog City -- Isang dating basketbolista at dating konsehal ng Dipolog City at ang kanyang ka live in partner ay huli sa buy bust ng shabu sa pinagsanib na operasyon ng PNP at PDEA.

Kinilala ni Chief of Police PSUPT Reynaldo Maclang ang mga suspetsado na sila  Joseph Herrera y Atilano, 55 taong gulang, may asawa at naninirahan sa 297 Herrera corner Bonifacio sts; Biasong, Dipolog City na dating dating basketbolista at dating konsehal na ngayon ay Local Assessment Officer IV (LAO-IV) ng Assessors Office, Zamboanga del Norte Provincial Office at ang kanyang ka live in partner  na si Mary Jane Gomez  y Flores, 23 taong gulang, dalaga ng Fatima, Liloy, Zamboanga del Norte,empleyado ng Provincial Office.

Ang dalawa ay inaresto ng mga pulis sa harap ng bahay ni Herrera at nakompiska mula sa dalawa ay 14 sachet ng shabu, maliliit at malalaking walang laman na transparent plastic sachet, 20 pirasong maliliit na nirolyong aluminum foil, apat na pirasong mahabang naka rolyong aluminum foil, disposable lighter, stainless forcip, gunting, isang nagamit na kandila at 9 na X rated DVD.

Ang raiding team ay nakakuha din ng isang unit snub nose homemade .38 na revolver na walang serial number na may apat na bala.

Sina Mariano Ayban at  Zorayda Eva Mustaril  mga taga media ,Felix Rendoque na taga, Department of Justice at barangay captain  ng Biasong na si  Gomercindo Calagui ay nagsilbing mga witness sa insidente .

 Matapos  mahuli ang dalawa sila ay dinala sa Zanorte Medical Center para sa medical check up. Sina  Herrera at Gomez ay naka detained sa Police Office at sasampahan ng pormal na kaso.

Ang search warrant  ay nilagdaan ni Judge Chandler O. Ruiz ng RTC branch 10 na may numerong 01-2011 at may petsa May 5, 2011.

 

 

2 comments:

Anonymous said...

very much happy for the result.it`s pay time Mr.Herrera....i salute you PDEA and to Mr. Maclang. job well done.

Anonymous said...

GOOD JOB PDEA AND MR. MACLANG..... Mr. Herrera wla nay lain pang babae nga ma biktima nimu....it`s over.....cried for joy for the news.

 

Sample text

Sample Text

ABDULSALI "ILAY" ASMADUN interview on preventing the supporters of Mayoralty Cadidate Hadar Hajiri of Lugus, Sulu to post Campaign Materials at Lugus Proper

Sample Text

delman_macapil@hotmail.com