Palarong Pambansa inumpisahan ng Pacquiao-Mosley boxing bout NI: RIC CLET at MARIZ REVALES Dapitan City – Ang Palarong Pambansa palarongPambansa ay inumpisahan ng boksing nila Manny "Pacaman" Pacquiao at ang 39-taong gulang na si Sugar Shane Mosley sa kanilang 12-round bout para sa World Boxing Organization (WBO) welterweight crown sa MGM Grand Garden sa La Vegas, Nevada Sabado (Linggo dito). Ang panonood ng mga opisyal ng mga delegasyon ng Palarong Pambansa ay ginanap sa Glorietta sa dapitan City sa panunguna nila Govenor Rommel Jalososjos at ang kanyang kapatid na si kongresista Romeo Jalosjos,Jr. Sa panayam kay Gov.Jalosojos isang karangalan naman ng Pilipoinas ng maipanalo ng ating people's champ Pacman ang kanilang laro ni Mosley. Sinabi naman ni Cong. Jalosjos na ang dilaw na gloves na ginamit ni pound for pound champ ay simbulo ng maraming bagay na maaring makapagbabago sa buhay ng mga pilipino tulad ng kahirapan na gustong labanan ni Pacquiao at mabigyan ng magandang buhay ang bawat tahanan. Matapos ang laban ni Pacman at Mosley inumpisahan kaagad ang parada ng 18 na rehiyon na mga delegado sa palarong Pambansa sa . Sa nasabing parada ay nag umpisa sa Punto dedisembarco de Rizal,Sta Cruz at binuksan ang programa bandang alas 2 ng hapon at natapos ng 5:00 sa gitna ng malakas na ulan. Pinamalas naman ng Philippine Army Parachute team sa pangunguna ni Lt. Col. Eligen F. Villaflor,Raising of the Flag ni Svet Lana P. Jalosjos,mayor ng Balianagao ,Misamis Occidental. Si Dapitan Mayor Dominador G. Jalosjos Jr ay nagbigay ng kanyang mensahe para sa mga delegasyon. Ang turn over ng banner sa Palarong Pambansa ay ginanap sa pagitan nina Governor Victor A. Yap ng Tarlac at Director Teofila R. Villanueva ng region III Mayor Dominador G.Jalosjos Jr, Zamboanga del Norte Governor Rolando Yebes at Zamboanga Sibugay Governor na si Rommel Jalosjos.
May 8, 2011
Palarong Pambansa inumpisahan ng Pacquaio-Mosley bout-MARIZ REVALES/RIC CLET
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment